FreshTrack I-demo sa negosyo ko

Privacy

FreshTrack Privacy Policy

Last updated: 12 September 2026

Ang FreshTrack ay pinapatakbo ng JedRey IT Solutions, Sariaya, Quezon. Dalawa ang sakop ng policy na ito: ang personal na impormasyong ibinibigay mo sa website na ito, at ang business records na inilalagay ng negosyo mo sa hosted na FreshTrack system. Hindi namin ibinebenta ang alinman, at hindi ito ginagamit para sa advertising.

Sino kami

Ang FreshTrack ay inventory at operations system na ginawa at hino-host ng JedRey IT Solutions ("kami"), Pablo Street, Brgy. Poblacion 2, Sariaya, Quezon, Philippines. Sa ilalim ng Data Privacy Act of 2012 (Republic Act No. 10173), ang JedRey IT Solutions ang personal information controller para sa impormasyong kinokolekta sa website na ito, at personal information processor para sa records na inilalagay ng subscribing na negosyo sa system, kung saan ang negosyo ang controller.

Data Privacy Notice para sa website

Walang analytics, advertising trackers, o third-party cookies ang website na ito. Ang tanging kinokolekta namin ay ang ipinapadala mo sa demo-request form, sa message form, o sa email, Messenger, Viber, at tawag:

Ginagamit lang namin ito para sagutin ang tanong mo, i-schedule ang demo, at magbigay ng presyo. Ang form ay dumadaan sa sarili naming server at dinadala sa aming mailbox sa jedrey.it@gmail.com; hindi ito ipinapasa sa marketing platforms. Itinatago namin ang enquiry hangga't kailangan para masagot ito at, kung maging subscriber ka, bilang bahagi ng account records mo. Pwede mong hilingin na burahin ito anumang oras.

Ang fonts ng site ay galing sa Google Fonts, kaya humihiling ang browser mo ng font files mula sa server ng Google. Sakop ito ng Google Privacy Policy.

Records ng negosyo mo sa system

Kapag nag-subscribe ang negosyo mo, naglalagay kayo ng records sa FreshTrack: produkto, batch at expiry, stock, benta at order, dealer accounts at balanse, user accounts ng staff, at iba pang operations data. Pag-aari ng negosyo mo ang records na ito. Ginagamit lang namin ito para patakbuhin ang system, i-backup, i-support kayo, at ilipat ang data ninyo sa pag-setup. Hindi namin ito ginagamit para sa sariling marketing at hindi ibinabahagi sa iba.

Sino ang may access

Hindi kami nagbibigay ng records sa sinuman maliban kung inatasan ng negosyo mo o kinakailangan ng batas.

Paano pinoprotektahan

Retention, export at deletion

Itinatago namin ang records ng negosyo mo habang aktibo ang subscription. Bago mag-cancel, pwede ninyong i-export ang records ninyo. Pagkatapos ng cancellation, buburahin namin ang records mula sa live system at sa backups sa loob ng makatuwirang panahon, maliban kung hihilingin ninyong itago o kinakailangan ng batas.

Mga karapatan mo

Sa ilalim ng Data Privacy Act, may karapatan kang malaman kung anong personal data ang hawak namin, makakuha ng kopya, ipatama ang mali, ipaburang data kung wala nang lehitimong dahilan para itago, at magreklamo sa National Privacy Commission. Para gamitin ang alinman dito, kontakin kami sa ibaba. Sasagot kami sa loob ng makatuwirang panahon.

Pagbabago sa policy

Kapag binago namin ang policy na ito, ia-update namin ang petsa sa itaas. Para sa malaking pagbabago na may epekto sa records ng subscribing na negosyo, ipapaalam namin ito sa email o sa loob ng system.

Kontak

JedRey IT Solutions
Pablo Street, Brgy. Poblacion 2, Sariaya, Quezon, Philippines
Email: jedrey.it@gmail.com
Cellphone: 0923 117 0803 · Landline: (042) 717 0733